Dahil malayo nanaman kami sa isa’t isa at palaging walang kasiguraduhan kung kelan kami magkikita, bumabalik nanaman ang dati namin problema. Pangalawang gabi na na nag-away kami. Kasi ba naman..
Excited pa kong tumawag sakaniya ngayong gabi dahil sobra ko talaga siyang namimiss ngayong mga panahon na to. Pero little did I know na di ko pala magugustuhan ang kalalabasan ng pag-uusap namin.
Nung tumawag ako sakaniya, may iba siyang kinakausap, tapos di ko maintindihan yung sinasabi niya sa lakas ng letcheng tv sa condo niya. Di manlang siya lumalayo-layo, tapos kapag di ko naintindihan yung sasabihin niya, maiinis siya, sorry naman daw ah, kasalanan ko bang ang lakas lakas ng volume ng tv mo?
Tapos i-momock ka pa niya.. Okay pa nung una eh. Natatawa pa ko kasi alam kong binibiro niya ko. Pero after a while, di ko na maintindihan kung bakit kailangan niya kong ganunin. Patuloy na nagsasalita ng “what?”, “what is it?”, “excuse me, pardon?” dahil nagtatagalog ako, tapos sasabihin ko “umm. okay, anong nangyayari sa’yo?” tapos ganun ulit sasabihin niya sayo. Ano yun, bullshit lang?
Sinabi ko naman ng naiinis na ko, pero patuloy padin siya sa pagsasalita ng nonsensical things. I didn’t see the point why he was doing that. Natutuwa siyang inaaway ako? Well ako naiirita sa pang-aaway niya. Nakakainis na sinabi mo nang naiinis ka pero di siya titigil.
Dahil napuno na ako, nagstraight english na ko, tutal yun naman ang gusto niya in the first place. Tapos after stating my side, wala akong maririnig na reaksyon mula sa kabilang telepono kundi sa ingay ng letcheng tv. ANO YUN, JOKE? Tapos nung nagsalita siya, tono pa niya ultimong inis? WTF. Tas sasabihin niyang di siya inis. GAWD. Im smart enough to identify that he’s lying. puh-lease.
Tapos ang nakakasakit pang mas lalo, ni-ha-ni-ho di siya magtetext ng kahit ano. Di manlang siya magsasabi ng sorry. DAMN IT you boythingshit, isn’t it obvious na IKAW ang may kasalanan kung bat tayo nag-away? No lo ves? FUCK YOU. OO. Galit ako, galit na galit. Ang sakit kasi eh. Di na nga kami nakakapagusap o kahit text buong araw dahil sa trabaho niya, tapos gaganunin pa niya ko. He didn’t make sense at all. At di niya din nadefend and sarili niya.
This is my side of the story, pero sa tingin mo ba mali na nagalit ako? Ano bang dapat kong naging reaksyon? Ayoko naman awayin siya eh, kasi nasasaktan din yung loob ko. Pero may mga pagkakataon lang na di ko din mapigilan ang sarili ko.
